Monday, October 25

Agosto ay Buwan ng Wika. Now Na. (Lourd de Veyra, spot.ph)



Tol, nakalimutan mo na siguro. Baka kasi sobrang busy ka sa kakalaro ng Plants Vs. Zombies o kung ano man ang uso ngayon sa Facebook, nalimutan mo na ata--ang Agosto ay Buwan ng Wika. 

Siguro para sa marami sa 'tin, ang ibig sabihin ng Buwan ng Wika ay ang mga walang kamatayang pagsayaw ng tinikling at recitation ng Florante at Laura habang may dahon ng laurel ka sa tenga. Medyo matagal na akong nawala sa eskuwela kaya hindi ko alam ang mga gimik ngayon pag sine-celebrate ito (kung ipinagdiriwang pa rin nga). Pero ewan ko lang: parang wala pa rin atang pinagbago. Wala ring epekto. Lalo na sa panahon ng jejemon (Aware ako na may bagong na namang usong "bekimon" pero busy ako eh).

Buwan ng Wika ngayon kaya 'namputa, wala munang mga nakakairitang hirit diyan sa baba gaya ng "Oh Lourd, why is it in Tagalog?" Basta huling pagkakaalam ko, pag kinurot mo 'ko, "Aray ko, punyeta ka!" pa rin ang sasabihin ko at hindi "ouch." Sabi ni Rizal, ang hindi daw magmahal sa sariling wika ay daig pa ang malansang isda (or something to that effect). Ah, okey. Kaya pala sinulat niya ang Noli at Fili sa Spanish. Hijo de, pare.

Teka lang ha: hindi ako eksperto sa Filipino. Sigurado akong marami rin akong sabit dito sa mga sasabihin ko pero  peace na lang tayo, 'tol. Para sa bayan na lang at ganap na demokrasya. Actually, conio talaga ako, tol. Jok lang (Kitang-kita namang kutis-bayag ako). Kumonsulta siyempre ako sa mga idol, lalong-lalo na kayVirgilio Almario, National Artist for Literature 2003, isang "aktibista para sa Wikang Pambansa" ayon sa blurb ng kanyang klasik na Filipino Para sa Mga Filipino (subtitled: "Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa"). Matinding makata at kritiko si Almario a.k.a Rio Alma, at nung minsang naging fellow ako sa UP Writers' Workshop sa Baguio, ang komento niya lang sa mga tula ko sa Ingles ay: "Magsulat ka na lang kasi sa Filipino."

Kaya--gamit bilang anting-anting ang aklat ni Almario--eto ang ilan sa mga isyung bumabagabag sa mga dila at keyboard ng mga taga-media. 


KAGANAPAN - Kasalanan daw 'to ni Joe Taruc at ng mga taga-DZRH. Ginagamit nila ang "kaganapan" kung ang ibig sabihin ay "pangyayari" o kaya, nagaganap. I.e. "At 'yan ang mga kaganapan dito sa drug bust sa Republiq." "Balikan po natin ang mga kaganapan diyan sa hearing ng hiwalayang Kris at James." Ang tamang kahulugan ng kaganapan ay fullness, fulfillment, o pagkakumpleto. "Kaganapan ng kanyang pagkababae ang pagbubuntis."

BUMULUSOK - Akala ng iba, kaparehas ng "kumakaripas" at "humaharurot." Siguro dahil sa tunog. Laging naririnig: "Lalong bumulusok ang career ni Kris Aquino" kung tinutukoy nila ay ang pag-usbong ng career ng bida ng Vizconde Massacre at Pido Dida 1 and 2. Pabagsak na aksyon ang ipinapahayag ng "bulusok" at kadalasang pinantutukoy sa bulalakaw. Eh hindi naman ganun ang kaso, di ba? Mula sa Carlo Caparas films hanggang sa pag-quote ng "It Must Have Been Love But It's Over Now" sa The Buzz, tuluyan pa ring namamayagpag ang career ng bunsong kapatid ni P-Noy (Haaay). Marami pang ganitong salita. Pero busy ako. 

NG VS. NANG - Kala ko dati ang nalilito lang dito mga grade schoolers at lahat ng mga estudyante sa mga coniotic na eskwelahan, pero nagkamali ako: hanggang sa mga newsroom may sumasabit pa rin dito. Sa TV, walang pakialam ang mga tamad kung "ng" o "nang" dahil pareho lang naman ang tunog. Karamihan din sa kanila, wala ring pakialam kasi nga "Tagalog lang naman 'yan eh." Mas nahihiya pa sila kung pumapalya sila sa diction sa Ingles, sa short 'e' vs. long 'e,' pag ang pronounciation nila sa "bitter " ay "beee-ter" imbes na "bi-tur." Sila rin yung tipong kinokorek agad ang sarili pag ang "winner" ay nabanggit nilang "weee-ner" (parang sausage lang, no). Mga hayup kayo - galangin niyo naman nang konti ang wikang bumubuhay sa inyo at nakakabili pa kayo ng iPad at mga libro ni Stephenie Meyer.

Mabalik tayo sa isyu. Mahirap ba? Hindi naman dapat eh. Pag may elemento ng pag-aari, ng dapat. Example: "Si Kris ang kahihiyan ng mga Aquino." "Ang kapal ng mukha ni Mikey Arroyong kumatawan sa mga sikyu at pedicab drivers." "Salot ng lipunan." "Mga anak kayo ng puta!" Sinusundan din nito ang mga salitang "tulad," "gaya," at "lahat."

Ang nang? Ilang bagay lang ang dapat tandaan:

Pag tinutukoy ay panahon o araw, kapalit ng salitang "noon." ("Tanghali nang manumpa si P-Noy sa Quirino Grandstand." "Gabi nang sumugod ang mga jologs sa The Establishment."). Pareho ng "upang" at "para." E.g. ("Kelangan kong magsikap sa trabaho nang yumaman ako tulad ni Willie Revillame." "Maligo at mag-diet ka araw-araw nang hindi ka tumandang malungkot, mataba, pangit, at amoy-pusa." "Kelangang mag-relax ni Noynoy nang hindi maubos ang buhok niya.") Kombinasyon ng "na" at "ang" ("Grabe nang katakawan ang ipinakita niya nung sinadya pa niya yung buffet sa Cagayan." "Sobra nang nakakatakot ang mga labi ni Gretchen Barretto."). Indikasyon ng paraan o sukat. ("Pag nakita ko yang bruhang 'yan, sasampalin ko siya nang bonggang bongga." "Tatadyakan ko siya nang patalikod.") O kaya'y pag may umuulit ("Paliguan mo man siya nang paliguan, hindi pa rin siya gaganda.")


KALALAKIHAN - Lalo na sa news, talamak to-its. "Limang kalalakihan." "Armadong kalalakihan." Bakit, anong problema sa "limang lalaki?" Basta 'wag lang "armadong pagkalalaki." Medyo bastos 'yun - at delikado.

ASPETO - "Salitang siyokoy" ang tawag dito ni Almario, dahil hindi siya Kastila, hindi rin Tagalog. Diyosko, laging ginagamit 'to ng mga komentarista.   Hinding-hindi mo makikita ang salitang "aspeto" sa kahit anong diksyonaryong Tagalog. May "aspecto" sa Español; sa Ingles naman, "aspect." Paano ba nauso ang "aspeto?" Kasi daw, dahil merong "respeto," "obheto," "suheto," sa Kastila, kala ng marami, lusot na ang "aspeto." Isampal man sa mataba mong mukha ang page 62 ng New Vicassan's Dictionary eh wala ka pa ring makikitang "aspeto." Sabi ni Almario, Ang tama: "aspekto." Tandaan! Amen? Amen. 

Ang dami pa niyan - mga salitang banyagang pinilit Tagalugin o kaya'y pinilipit para mag-tunog Kastila. Sa TV Patrol at 24 Oras, suking-suki ang "kinundena" when referring to "condemn." "Kinundena ng mga militanteng grupo ang talumpati ni dating pangulong Arroyo sa kamara." Baka kasi masyadong hardkor yung "tinuligsa" o "batikusin." Lagi kong naririnig si Joaquin Henson na sumisigaw, "Dahil kay Jordan, kumolapso ang depensa ng Utah Jazz!" Ewan ko. Siguro, mas madramang pakinggan. Pero naintindihan ko naman, di ba? 

Ang laki ng problema ko, no?

if money, family responsibilities and norms are not in the way, i want to be

  • a taxi driver.i've always wanted to learn how to drive and get familiar with manila roads, especially its inner streets.and davao.i've been there a couple of times and but i could never familiarize myself with its streets.the thing is they dont have this edsa-like stretch of road so i find it hard to navigate and just let our drivers do the job.
  • a tour guide.i would like to spend a part of my lifetime living in an island, entertaining guests and touring them around the place.or maybe i could start by booking friends on our airlines' seat sales.hmmm.
  • be a hotshot IT expert like them mark zuckerberg type and build my own empire.

Wednesday, October 20

call center bloopers

eto napulot ko sa peyups.com.enjoy! :) 


customer: where are you located?
agent: We're located in the Philippines
customer: where is the Philippines?
agent: sir you know Japan..?turn left..hehehehehe


Customer: Where are you based?
Gay Agent: In the Philippines, Sir!
Customer: So, you are a Filipino?
Gay Agent: No, Sir. I'm half-Filipino, and half-Filipina!!!



Agent: (Opening Spiel) My name is Dan..is that correct?
Customer: I don't know..hahahahahaha



(in the middle of a call, filipino customer abroad distinguishes filipino accent of the agent and sparks her curiosity)
Customer: Are you Filipino?
Agent: No, Ma'am
Customer: Sigurado ka?
Agent: Yes, Ma'am.



Recruitment: Group interview
12 Applicants 1 Interviewer
HR:can you tell me whats the weirdest conversation you've had?
App: the weirdest conversation I had was with my husband. (paused)
HR: can you tell us what it was about?
App: (laughs) haha its a secret
HR: (raises eyebrows)can you at least share what was it about, is it money, love...
App: its about money... (giggles)
HR: ok, what do you expect from this company (pissed)
App: I expect to get hired
HR: Why should the company hire you
App: Because it says in your ads that there is an urgent hiring.



newbie agent, in the middle of a problem call. CALLER: Is this how you treat your gold card members?
Sagot niya: "Yes sir." ayun, terminated si ateh.





hahaha!i bet na-exercise facial muscles niyo.hihi!



Tuesday, October 19

pag-ibig

Ang pag-ibig ko
ay 'di gulay na por guhit
o patang por kilo.

Hindi masusukat
sa kapal ng dibdib
o sa lapad ng balakang.

Hindi ito magkakasya
sa kutson o banig
paglubog ng araw,
pag-alsa ng alon.

Ang pag-ibig ko
ay higit pa
sa anumang timbangan
mula duyan
hanggang libingan.


--marra pl. lanot

words

I am a maelstorm
And my words are liquid
Purling and swirling
In the womb of the earth.

I am a rock
And my words are granite
Or maybe a diamond
That can cut stone.

I am a volcano
And my words are lava
Which in its intense heat
Is about to explode
Endless lightyears to space.


--marra pl. lanot

Monday, October 18

isteytsayd!

what's up with people trying so hard to converse in the english language when they cannot even construct a decent sentence with correct word spellings huh? 

napunta lang ng isteyts kala mo hindi na marunong mag-tagalog.kakausapin mo ng tagalog sasagutin ka ng mali-maling ingles at ispeling.mga ateh at koya, kala niyo naman "cool" kayo sa ginagawa niyo? kala niyo naman isteytsayd na ang dating niyo dahil nakakapag-ingles na kayo?kung may problema kayo sa tagalog, huwaynat ilokano, panggalatok o bisaya ang gamitin niyo?pwede din waray, bicolano, chavacano, tausug, maguindanaon at maranao.ipapa-translate ko na lang sa mga kaibigan kong marunong magsalita nito.

i am not saying i have impeccable english pero naman, kung informal dialogues din lang gaya ng kamustahan aba eh wag mo na paduguin ilong ko at ng iba pang mambabasa.save us all the agony of interpreting what you are trying to say.remember, the essence of communication is getting the message across. kayo naman kasi pinapag-mukha niyo pang astig kuno sa paggamit ng inggles.nawawala tuloy yung sense ng pakikipag-usap because the message is lost in the badly constructed sentence.

napunta lang kayo sa isteyts o kung saan mang banyagang lugar eh feeling supreme beings na kayo.nasaan na ang filipino pride?tuluyan na ba kayong nakain ng kulturang banyaga?ikinakahiya niyo na ba ang mag-tagalog?

madaming ESL teachers dito sa atin.i suggest kumuha kayo ng tutor niyo pag nagbakasyon kayo dito.

Friday, October 15

gender-fair language

one of the first assignments i did for the gender and development team of philrice is a primer on gender sensitive language which the group later published for all staff and partner agencies. 


i wanted to share some of the examples we cited since i've been observing that most people use terms which are not gender sensitive. while i cannot blame these people for lack of consciousness, this piece aims to encourage the use of gender-sensitive terms to help eliminate stereotypes among genders.




instead of…
use:
Miss, Mrs
Ms.
MANkind
humanity
MAN-made
synthetic
MAN-power
personnel, labor force
businessMAN
business executive
cameraMAN
cinematographer/photographer
chairMAN/WOMAN
chairperson
congressMAN/WOMAN
legislator/representative
fathers (religious)
priests
MOTHERhood/FATHERhood
parenthood
salesMAN/WOMAN
salesperson
dykes, gay women
lesbians
male chauvinist pig
male chauvinism








and so, instead of using Mr. and Mrs. Brad Pitt, use Mr. Brad Pitt and Ms. Angelina Jolie-Pitt, or if you are addressing the woman only, instead of Mrs. Winnie Monsod, use Ms. Winnie Monsod or Professor Winnie Monsod.



another common mistake is using masculine pronouns to refer to an indefinite pronoun. a concrete example:
instead of saying, Does everybody have his GPS units?, use Do all of you have your GPS units? or, Does everybody have his or her GPS unit?


According to the Primer on Gender-Fair Language published by the University of the Philippines' Center for Women Studies, sexism in language is the use of words that devalues members of one sex, almost invariably women, thus fostering gender inequality. It discriminates women by rendering them invsisible or trivializing them such that it perpetuates the notion of male supremacy.


































Monday, October 11

tong-its















lets get physical!

sometime ago we went through a health and fitness assessment by the newly hired gym instructor at the office.we were made to accomplish a form before the one on one interview.there was an item there asking about the physical activities that we do.too embarrassed to reveal that i lead a very boring and sedentary lifestyle, i wrote walking. 


gym instructor (GI): so kat, like how far do you walk everyday? 
me, in a defiant tone: from the dorm to the office! (who doesn't, right?)
GI, matatawa, babawi ng hirit: buti hindi mo nilagay na lifting?
me, puzzled: ???
GI: yeah, like lifting spoon and fork when your eating?


hayup!!hahaha.


wala na, wala na akong nasabi.i just kept quiet and let him yak about the need to go to the gym.and so when the session ended, he let me go with this parting shot: "i expect you to be there thrice a week, and if i had to drag you to the gym i would." 


owrayt!