Thursday, February 21

ang libro ni hudas ni bob ong

"What do I have to do to get your attention?
Take out an ad in the paper?"

God

"Earthlings, don't treat me like an alien."

God

"How can you possibly be a self-made man?
I specifically recall creating you."

God

"You think it's hot here?"

God

"Could you imagine the price of air
if it were brought to you by another supplier?"

God

"Will the road you're on get you to my place?"

God

"Need directions?"

God

"Please don't drink and drive,
you're not quite ready to meet me yet."

God

"I think you're the most beautiful person in the world.
Okay, so I'm biased."

God

"Follow me."

God

"Don't forget your umbrella,
I might water the plants today."

God

"Tao po...!"

<%>

"Ano 'yon?"

God

"Magandang araw ho!
Pasensya na ho sa istorbo,
may kausap yata kayo...."

<%>

"Hindi, wala. Binabasa ko lang yung
mga billboard na nakikita ko sa highway.
Ano'ng maipaglilingkod ko sa'yo?"

God

"Itatanong ko lang ho sana
kung talagang patay na ko."

<%>

"Naku! Anak, pasensya na.
Wala sa akin ang mga listahan e.
Baka s'ya makatulong sa'yo."

God

"Sino ho?"

<%>

<. - - .> Ako! Ako! Hehe….
<%> Huh?
<. - - .> Ano’ng problema?
<%> Itatanong ko lang ho sana kung—
<. - - .> Ah, oo. Patay ka na. Hehe….
<%> Pero bakit…
<%> Kailan…
<%> Paano nangyari ‘yon?
<. - - .> Sandali…
<. - - .> ..
<. - - .> …
<. - - .> .
<. - - .> A-hah!
<. - - .> Ayon sa record mo, nagbasa ka ng libro.
<%> Ho?!?!
<. - - .> Oo... nagbasa ka nga ng libro.
<. - - .> Siguro nakatulog ka pagkatapos magbasa…
<. - - .> nakalimutan mong nasa tuktok ka ng flag pole.
<%> Hindi ho!
<. - - .> O baka naman nakasandal ka sa isang pader,
<. - - .> tapos naipasok mo ang daliri mo sa isang electrical outlet.
<%> Hindi rin ho!
<. - - .> Aba eh wag mo na kong pahulain.
<. - - .> Ikaw ang namatay, dapat alam mo kung bakit at paano.
<%> Kaya nga ho ako nagtatanong e.
<. - - .> Sandali… may naisip ako….
<. - - .> Ano'ng libro ba ang binasa mo?
<. - - .> Hindi kaya isa ka rin sa mga nagbasa ng paboritong libro ni hudas?
<%> Oo nga ho...
<. - - .> Bulls eye!!!
<%> Paano n’yo nalaman?
<. - - .> Hehe… marami nang nauna sa'yo.
<. - - .> Binasa mo ang libro pero hindi mo inalam ang mga bagay-bagay tungkol dito.
<%> Huh?
<. - - .> Sige nga, ano ba ang alam mo tungkol sa libro na ‘yon?
<%> Kahit anong tungkol sa libro?
<. - - .> …
<%> Basta ang alam ko, meron daw ‘yon missing chapter,
<%> sadyang tinanggal nang ipasa ng sumulat ang manuscript sa publisher.
<. - - .> Ano pa?
<%> Um… bago magkaroon ng paboritong libro si hudas,
<%> nagkaroon muna s'ya ng paboritong website,
<%> pero may pagkakaiba ang dalawa.
<. - - .> …
<%> …may kinalaman kaunti sila Ryan and Jacob sa libro.
<. - - .> Sino?
<%> Basta, makikita 'yon sa search engine.
<. - - .> Pero bakit tinawag 'yong paboritong libro ni hudas?
<%> Ah, alam ko ‘yan! Trick question ‘yan.
<%> Tulad ni Fats Waller, sasagutin ka lang ng sumulat ng:
<%> “If you hafta ask, you ain’t never gonna know!”
<%> ..
<%> Ano pa ba…?
<%> .
<%> At nga pala! ‘Yung sumulat ng libro…
<%> hindi totoong sumali s’ya sa Laban o Bawi.
<. - - .> ...
<%> Marami pa kong alam tungkol sa kanya. Gusto mo?
<. - - .> Sige lang…
<%> Sabi sa isang death clock sa Internet, hindi na raw s’ya aabot sa taong 2049.
<. - - .> Sino?
<%> ‘Yung sumulat ng paboritong libro ni hudas.
<. - - .> Hehe...
<%> Dahil masyadong matipid, buwanan lang s’ya pumasyal sa barberya.
<%> Kung hihingan mo s’ya ngayon ng joke, ang maibibigay n’ya sa’yo ay ang tungkol sa “horny eagle”.
<%> Alam ko rin na isa s’ya sa mga nabanggit na “Nonoy” sa libro. Kasalukuyan s’yang may pinagkakaabalahan na alagang hayop… at nagamit n’ya ang “F” word nang kagatin s’ya nito habang—
<. - - .> Sige, sige... ayos na....
<. - - .> Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro.
<%> Ano?
<. - - .> Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka.
<%> HA?!?!
<. - - .> Surprise!
<%> Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba?
<. - - .> Depende.
<. - - .> Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari?
<%> Hindi ah!
<. - - .> Shoplifter ka?
<%> Lalong hindi!
<. - - .> Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili?
<%> Hindi rin!
<. - - .> Nagpa-xerox ka?
<%> Ba’t mo alam?

"We need to talk."

God

0 shout-outs: