Friday, September 25
note to self
Wednesday, September 23
de quiros strikes again :)
| May araw din kayo By Conrado de Quiros Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na. Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso. Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint. Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila. Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente. Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa. Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw? Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York. Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo. Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re. At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon. Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n. Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan. Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan. At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo. Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom. May araw din kayo. |
‘May araw din tayo’
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:10:00 09/15/2009
Sabi mo, Gary Olivar, magpakalalaki si Noynoy, huwag na nyang punahin ang boss mo. Sabi mo rin, politically mature na tayo, di na dapat ginagamit sa pulitika ang mga salitang “Good vs. Evil” or “Kabutihan laban sa Kasamaan.”
Payong kapatid, p’re, easy ka lang sa salitang “mature.” Di ka gaanong kapanipaniwala pag nagpapasya ka kung ano ang mature at ano ang hindi. Hindi na ko magpapayo na easy ka rin lang sa paghamon sa ibang tao na magpakalalaki, bahala ka lang magnilay-nilay tungkol dyan sa harap ng salamin.
Meron pa bang mas immature kesa sa sagot mo kay Noynoy? Obvious naman na ang pinanggalingan nyan ay ang kulturang macho na nagsasabing ’wag kang papatol, o makikipagaway, sa babae kung tunay kang lalaki. Kung ganun lang ang deskarte n’yo, uminom na lang kayo ng gin hanggang sa machoka. ’Yang machong kulturang ’yan ay matagal nang ibinasura ng taongbayan sa tulong ng women’s groups dahil sa mababang pagtingin sa kababaihan. Kunyari nagtatanggol sa mga babae, sa totoo ay sinisiraan ang mga babae.
Kayo lang naman ang nakakakita ng babae o lalaki sa usaping ito. Lahat naman ng Noypi ay nakikita lang ang tama o mali sa usaping ito. Pero pinag-uusapan din lang natin ang babae at lalaki, masisisi mo ba si Noynoy kung sabihin nyang nakalimutan yata ng dating titser nya ang mga itinuro sa kanya? Dahil meron din syang naging titser na babae, di hamak na mas magaling, at ni minsan ay hindi nakalimutan ang mga itinuro. ’Yan ay si Cory.
At pinaguusapan din lang natin ang lalaki at babae, sino naman ang me sabi sa yo na ang boss mo ay babae? Dahil galit na galit na sinasabi sa ’kin ng mga kaibigan kong babae, “Hindi namin kaano-ano ’yan.”
Tingnan natin kung di sapul ng “Good vs. Evil” ang labanang ito:
Huwag na tayong magpa-cute pa at diretsuhin na lang: Ang boss mo ay sinungaling. Sino ba ang mahilig magpanggap na madasalin, laging nagpaparetrato habang nakaluhod at mataimtim na nananalangin kay—bahala ka nang magsabi kung Kanino. Sino nga ba ang mas sincere sa kanilang dalawa ng aso na ganyan din ang posing? Sino ba ang lumamon ng kung anu-ano sa New York at nagsabing: (1) Di nangyari yon, (2) Nangyari yon pero di ganun ang bill, (3) Ganun ang bill pero si Martin Romualdez naman ang nagbayad, (4) Ayos lang yon dahil marami namang nagpakasasa?
Sino ba ang nagsabing hindi sya tatakbo sa 2004?
Sa kabilang banda, eto si Noynoy na pinalaking maayos ng mga magulang. Nagsabing magdadasal, tapos magdedesisyon. Nagdasal, tapos nagdesisyon. Kung ano’ng sinabi, yon ang ginawa. Paminsan-minsan siguro nangangako sa GF na darating nang maaga pero nale-late. Pero pwede na nating palampasin yon.
Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Makatotoo laban sa Peke? Di ba Good vs. Evil?
Ang boss mo ay mandaraya. Sino ba ang paulit-ulit na tumawag kay Garci noong bilangan para makalamang ng 1 million boto kay FPJ, at nakalamang nga ng 1 milyon boto kay FPJ? Sino ba ang gumawa ng batas na nagsasabing walang maaaring magsabi na nandaya sya nang wala niyang pahintulot? Sino ba ang nagtago sa “executive privilege” para hindi managot sa bayan kung sya nga ang mastermind ng NBN?
Sino ba ang me mga anak na di makapagpaliwanag ng mga ari-arian sa San Francisco?
Sa kabilang banda, eto si Noynoy na walang record na nandaya sa Kongreso at Senado. Na may nanay na paulit-ulit na pinangaralan silang magkakapatid sa pagiging matapat. Na nagbigay ng halimbawa sa pag-ingat sa mga kagamitan sa Malakanyang dahil “’yan ay pag-aari ng taongbayan.” Paminsan-minsan siguro, nandadaya rin si Noynoy sa dieta at nage-extra rice. Pero pwede na rin nating palampasin yon.
Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Katinuan laban sa Kabuktutan? Di ba Good vs. Evil?
Ang boss mo ay mandarambong. Sino ba ang naturingan ng World Bank na pinaka corrupt na leader sa buong Asya? Sino ba ang nangutang ng higit pa kay Fidel Ramos at Erap combined, pero walang mapakain sa taongbayan, ang ramdam na ramdam lang ni Juan ay gutom? Sino ba ang pabyahe-byahe at tumatrato sa buwis ni Juan bilang pocket money? Sino ang nagkorap sa lahat ng institusyon ng demokrasya, ang Kongreso, ang Korte, ang Comelec, ang Simbahan, ang Sundalo? Sino ang gumawa ng tama sa mali at mali sa tama?
Sa kabilang banda, meron ka bang narinig na nagnakaw si Cory, nagnakaw si Noynoy, nagnakaw ang mga kapatid ni Noynoy? Paminsan-minsan si Kris ay nagnanakaw ng eksena, pero pwede na rin nating palampasin yon. Paminsan-minsan din, si Noynoy ay nagnanakaw ng halik, pero pwedeng-pwede nating palampasin yon.
Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Kagandahang Asal laban sa Asal-aso? Di ba Good vs. Evil?
May araw din kayo.
At may araw din kami.
Pinangako ko sa sarili ko na kapag tumugon si Noynoy Aquino sa hamon ng panahon, susulatin ko ang kolum na ito. Tagalog pa rin dahil me mga bagay na masasabi mo lang na swak na swak sa lingwaheng malapit sa puso o bituka mo.
May araw din ang taongbayan.
’Yan ang naisip ko sa Club Filipino noong nakaraang Miyerkoles. Naghalong “Tapos na ang maliligayang araw n’yo,” at “Sa gitna ng kadiliman ay meron ding bukang-liwayway.” Mangiyak-ngiyak ang mga kaibigan ko habang pinakikinggan si Noynoy maghayag na tatakbo siya bilang pangulo ng bansa. Naisip ko: Ganyan nga siguro ang pakiramdam ng mga bilanggong malapit nang palayain. Hindi ko sila masisisi. Ganyan din ang naramdaman ko.
Pagkatapos ng matinding paghihirap, makakaginhawa din. Pagkatapos ng matagal na pagkabilanggo, makalalaya din. Pagkatapos ng walang humpay na kabiguan, magtatagumpay din.
May araw din tayo.
Tuesday, September 1
no, i am not yet married
Tuesday, August 25
Sunday, August 16
travel week
well, surprise, surprise!because am gonna do just that this week.am going to koronadal city without any idea where am gonna sleep.my best bet is in a hotel.worst case? in a bus terminal.gudlak na lang sa akin.and then by mid-week am off to zambo via davao.gotta spend the night in davao becuase its an early morning flight.and since there's no big moolah for marco polo hotel anymore, am gonna make do with mtrc, a govt training dorm inside the compound of davao medical school foundation. but there's no guarantee since its always full there.so goodluck again.
i just hope the documents that i ought to retrieve will all be in electronic file.or else.hell on earth again.
i remember what Hawk said in G.I.Joe:
"when all else fails... we dont."
i just hope i dont too.
Thursday, August 13
rainy days
Tuesday, August 11
sigma delta pi sorority
--- Desaparesidos ni Lualhati Bautista
Happy anniv sisses!
Monday, August 10
current mood
-- A Thousand Splendid Suns (Khaled Hosseini)
Monday, July 27
scenes from my weekend
Thursday, July 23
zamboanga itinerary
while it is true that adrian lives in zambo, we havent had enough time to actually go to the beaches. just la vista del mar, which i didnt quite enjoy because its kinda populated.
so this is the most amazing discovery i had: A PINK SAND BEACH! how cool is that huh?
so according to this blog,
A pink sand beach is very rare and there are only a few of them around the globe. They can be found in Horseshoe Bay in Bermuda, 3 islands from the Bahamas, Culebra in Puerto Rico, Maui in Hawaii, Santorini in Greece, Barbuda in the Carribean, Crane Beach in Barbados, and here in The Great Santa Cruz Islands in the Philippines.
So how did this beach got its pink sand qualities? It’s mainly because of these endangered Red Organ-Pipe Corals. From eons of natural surf erosion, these red organ-pipe corals were pulverized and mixed with the white sands resulting to its colorization. These corals are considered rare due to it’s unique qualities of a soft coral having a hard skeleton.
so there. am off to that pink sand beach in august! who's coming with me? =)



Wednesday, July 22
daydreaming
so i could enjoy some midmorning chat by the swing

or read a good book with a nice view of the beach

and then maybe go for a ride around the countryside
href="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj9Wsn6QPttRMgSVj453-lUvQz0x5qTOfgaLOW4F8isXCuNMYIRxA1z-rZgrjTzV9vY0tBaDjjLdj3mxEpD3JpvGu93vSV3_6BHeOAkkOrGRqqvW41DOKeAPFbd4eiEfhQiteh5mmCUwms/s1600-h/hway.jpg">

...and see the rolling hills

... take a walk around the community and meet some locals

...go up a lighthouse and enjoy the sunset from there

..maybe even stop by the beach and enjoy a comfortable silence

...i could even get married in this lovely church.just me, panda and the priest =)
Tuesday, July 21
@ sis yeh
she can prescribe some meds if i want to have a baby na daw. dunno lang how effective these meds are. plus il get a second opinion on this one.
i suggest everyone should visit an OB so you would all know how to deal with your health issues.dati i was so afraid going to the OB but now i realized na i should have done it noon pa.
good luck sis! =)
my visit to the OB
according to the doctor, i was born with a retroverted uterus. which means my uterus tilts backwards, pointing to the spine instead of the other way. this causes my dysmenorrhea. she also told me i have polycystic ovaries, where there are many small cysts in my ovaries. the eggs do not mature so they form cysts. i would have to undergo medical treatment just to get pregnant.
when i learned about this i immediately texted panda, where i made it a bit exaggerated. sabi niya, "ok lang yan, we could always adopt a kid.at para hindi na dumami ang maldita sa mundo." hahaha.
si mama naman: "get a second opinion from your tita's OB."
so i asked her, "bakit, gusto mo na ba akong magkaanak?"
no reply yet as of press time. hihi. naloka ang lola mo!
and so i was feeling a little down yesterday. and what better way to cheer me up than go shopping! i bought new purple ipanema flip flops.happiness! =)
Friday, July 17
when we get too busy
DAVAO TRIP
after touching down at naia on the last flight from davao, i texted adrian. (i was being a brat again so that was the first text in two days)
me: where are you?
ian: davao.just arrived this morning.
gaddemit.
me: waaaaaat???just landed here in mnla!we tuk the last flight frm dvo.
ian: bakit hindi mo sinabi na pupunta ka ng davao?
me: ....
ian: ayan kasi, inaaway mo ako lagi.
ui, di ah.
***
a few moments ago i was chatting with a cousin whose family is based in surigao. i was telling her about an aunt who came home from abroad because she had to see her doctor here.tapos she told me that her mom also had to undergo a medical procedure recently.
me: did she go to davao for it?
cuz: uhmm.. yeah.
me: i was there last week!
cuz: oh.that was when she had her operation.
sheesh.
Sunday, July 12
downloading...
go to http://www.1001freefonts.com and download your preferred fonts. extract the files (they usually come in zip) and copy-paste .ttf file to C:\WINDOWS\Fonts.

