Tuesday, December 15

before u can even think of touring the world, explore the philippines first! theres a lot to see in the countryside! :)


My Lakbayan grade is B!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Friday, November 20

Book Launch @ Powerbooks Megamall

Thursday, November 19

you died on a Saturday morning

... and I had you placed here under our tree. And I had that house of your father's bulldozed to the ground. Momma always said dyin' was a part of life. I sure wish it wasn't. Little Forrest, he's doing just fine. About to start school again soon. I make his breakfast, lunch, and dinner every day. I make sure he combs his hair and brushes his teeth every day. Teaching him how to play ping pong. He's really good. We fish a lot. And every night, we read a book. He's so smart, Jenny. You'd be so proud of him. I am. He, uh, wrote a letter, and he says I can't read it. I'm not supposed to, so I'll just leave it here for you. Jenny, I don't know if Momma was right or if, if it's Lieutenant Dan. I don't know if we each have a destiny, or if we're all just floating around accidental-like on a breeze, but I, I think maybe it's both. Maybe both is happening at the same time. I miss you, Jenny. If there's anything you need, I won't be far away.

--Forrest Gump

para syo.


How many times do I have to try to tell you
That I'm sorry for the things I've done
But when I start to try to tell you
That's when you have to tell me
Hey... this kind of trouble's only just begun
I tell myself too many times
Why don't you ever learn to keep your big mouth shut
That's why it hurts so bad to hear the words
That keep on falling from your mouth
Falling from your mouth
Falling from your mouth
Tell me...

Why
Why

I may be mad
I may be blind
I may be viciously unkind
But I can still read what you're thinking
And I've heard is said too many times
That you'd be better off
Besides...
Why can't you see this boat is sinking
(this boat is sinking this boat is sinking)
Let's go down to the water's edge
And we can cast away those doubts
Some things are better left unsaid
But they still turn me inside out
Turning inside out turning inside out
Tell me...
Why
Tell me...
Why

This is the book I never read
These are the words I never said
This is the path I'll never tread
These are the dreams I'll dream instead
This is the joy that's seldom spread
These are the tears...
The tears we shed
This is the fear
This is the dread
These are the contents of my head
And these are the years that we have spent
And this is what they represent
And this is how I feel
Do you know how I feel ?
'cause i don't think you know how I feel
I don't think you know what I feel
I don't think you know what I feel
You don't know what I feel

muni-muni

minsan kailangan mo ding gumawa ng mga nakakabobong task sa opisina para matigil ka naman sa kaka-nosebleed sa mga studies mo.

gaya ng paglalagay ng codes sa mga lalagyan ng rice samples para sa sensory test.piece of cake pero heaven na din para sa aking pagod na ang mala-pentium 1 na utak sa kakaisip.


Tuesday, November 10

inside my zen

"Love hurts...
But sometimes it's a good hurt
And it feels like I'm alive..
Love sings,
When it transcends the bad things.."

--Love Hurts, Incubus

"That you're always in my heart,
You're always on my mind
But when it all becomes too much,
You're never far behind
And there's no one that comes close to you
Could ever take your place
Cause only you can love me this way.."

--Only You, Keith Urban

"But if someday you'll need a friend
I promise I won't let you down
I'll be there for you
Right there beside you
I promise.."

--Promise, Yeng Constantino

"The world I know is pulling me
More and more each day
I feel like the odd man out as I begin to pray
Spiteful eyes are watching me
With everything I do
In the midst of darkness Lord
My spirit calls for you.."

--The Way I Feel, 12 Stones

"This is the last time
that I'm ever gonna come here tonight
this is the last time - I will fall
into a place that fails us all - inside

the angels they burn inside for us
are we ever
are we ever gonna learn to fly
the devils they burn inside of us
are we ever gonna come back down
come around
I'm always gonna worry about
the things that could make us cold..."

--Angels or Devils, Dishwalla










Monday, November 9

on the road

a collection of photos taken while we were on the road.enjoy!



volks


nice pair of legs :)

my dear kargador :)


eh sa gusto nga kitang kuhanan ng picture bakit ba?siga ka a?

school boys on their way home
school girls out to fetch water during lunch break

kuya manny, its not you... its the pilot!hihi.ampogi niya!


jollibee from the plane

hasta la vista beybe!

ang cute ng dog! but...
mmmm... ang sarap ng basura syet!napapikit pa siya sa sarap o!


i was expecting frodo baggins would be roaming around :)



where?where is your hump???


antoine, its not a boa constrictor after all! its a hump!or is it just panda lying on his back with his tummy?hahaha.




wish i could drag time so its christmas break now na

i am so tired. i feel like i've been running around for god knows how long that its starting to take its toll on my health. the last time i came back from misamis occidental i had a fever, a sore throat and aching muscles. most friends tell me i am lucky to be travelling, but when you're always on the road and changing airports, hopping on and off different types and sizes of aircraft, it ain't so cool anymore.i missed my bed, of waking up sunday mornings for a hot, home-cooked meal. hell, i even missed cafeteria food!

now im back at the office once again. but i still cant have that rest, the kind of rest na petiks lang maghapon. there are survey returns waiting to be encoded, processed and analysed. powerpoint presentations that need to be done, reports that need to be passed to project leaders. and just before christmas break, id have been gone to pampanga, south cotabato and sultan kudarat, probably even isabela again.

i cant wait to hibernate.

Tuesday, October 13

while some kids are busy watching nickelodeon and playing with their psp's...

there are also some kids who...

...are homeless



...who need to make a living when they should be playing







...are hungry, tired and cold














but despite all these, life's simple happiness is never lost in their eyes.


Friday, September 25

note to self

kung bakit ba naman kasi bigla kang nag-OC nung nangangalahati ka na sa ginagawa mo. hindi mo ba alam na you are dealing with a list involving thousands of farmers? ayan tuloy, nag-uulit ka na naman. never mind the fact na iisa-isahin mo yang listahang yan, looking for double entries. nakaka-isanlibo ka pa nga lang nasusuka ka na. well, surprise surprise! dahil may apat na libo ka pang titingnan.

but like any other person with severe OC, natutuwa ka naman sa output mo. at ayan tuloy, may na-discover ka na namang style ng pangongorap. f*cking double entries, cleverly hidden in the list to get double compensation. o, alam kong galit na galit ka na naman sa mga berdugo ng gobyerno na lantarang nangongorap. pero what can you do? go to the streets? oa naman yun. you've done it before nung college ka. pero anong nangyari?napalitan nga ng presidente but the culture of corruption stayed. and it will stay like some leech sucking blood from a malnourished person. imagine double kill.

sige control C, paste special, click values.highlight. sort according to name, order from A-Z. o ayan na naman ang mga magagaling na double entries. teka ano to? tatlo? apat na magkakaparehong pangalan? geddemit.


Wednesday, September 23

de quiros strikes again :)

May araw din kayo

By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

‘May araw din tayo’

By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:10:00 09/15/2009

Sabi mo, Gary Olivar, magpakalalaki si Noynoy, huwag na nyang punahin ang boss mo. Sabi mo rin, politically mature na tayo, di na dapat ginagamit sa pulitika ang mga salitang “Good vs. Evil” or “Kabutihan laban sa Kasamaan.”

Payong kapatid, p’re, easy ka lang sa salitang “mature.” Di ka gaanong kapanipaniwala pag nagpapasya ka kung ano ang mature at ano ang hindi. Hindi na ko magpapayo na easy ka rin lang sa paghamon sa ibang tao na magpakalalaki, bahala ka lang magnilay-nilay tungkol dyan sa harap ng salamin.

Meron pa bang mas immature kesa sa sagot mo kay Noynoy? Obvious naman na ang pinanggalingan nyan ay ang kulturang macho na nagsasabing ’wag kang papatol, o makikipagaway, sa babae kung tunay kang lalaki. Kung ganun lang ang deskarte n’yo, uminom na lang kayo ng gin hanggang sa machoka. ’Yang machong kulturang ’yan ay matagal nang ibinasura ng taongbayan sa tulong ng women’s groups dahil sa mababang pagtingin sa kababaihan. Kunyari nagtatanggol sa mga babae, sa totoo ay sinisiraan ang mga babae.

Kayo lang naman ang nakakakita ng babae o lalaki sa usaping ito. Lahat naman ng Noypi ay nakikita lang ang tama o mali sa usaping ito. Pero pinag-uusapan din lang natin ang babae at lalaki, masisisi mo ba si Noynoy kung sabihin nyang nakalimutan yata ng dating titser nya ang mga itinuro sa kanya? Dahil meron din syang naging titser na babae, di hamak na mas magaling, at ni minsan ay hindi nakalimutan ang mga itinuro. ’Yan ay si Cory.

At pinaguusapan din lang natin ang lalaki at babae, sino naman ang me sabi sa yo na ang boss mo ay babae? Dahil galit na galit na sinasabi sa ’kin ng mga kaibigan kong babae, “Hindi namin kaano-ano ’yan.”

Tingnan natin kung di sapul ng “Good vs. Evil” ang labanang ito:

Huwag na tayong magpa-cute pa at diretsuhin na lang: Ang boss mo ay sinungaling. Sino ba ang mahilig magpanggap na madasalin, laging nagpaparetrato habang nakaluhod at mataimtim na nananalangin kay—bahala ka nang magsabi kung Kanino. Sino nga ba ang mas sincere sa kanilang dalawa ng aso na ganyan din ang posing? Sino ba ang lumamon ng kung anu-ano sa New York at nagsabing: (1) Di nangyari yon, (2) Nangyari yon pero di ganun ang bill, (3) Ganun ang bill pero si Martin Romualdez naman ang nagbayad, (4) Ayos lang yon dahil marami namang nagpakasasa?

Sino ba ang nagsabing hindi sya tatakbo sa 2004?

Sa kabilang banda, eto si Noynoy na pinalaking maayos ng mga magulang. Nagsabing magdadasal, tapos magdedesisyon. Nagdasal, tapos nagdesisyon. Kung ano’ng sinabi, yon ang ginawa. Paminsan-minsan siguro nangangako sa GF na darating nang maaga pero nale-late. Pero pwede na nating palampasin yon.

Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Makatotoo laban sa Peke? Di ba Good vs. Evil?

Ang boss mo ay mandaraya. Sino ba ang paulit-ulit na tumawag kay Garci noong bilangan para makalamang ng 1 million boto kay FPJ, at nakalamang nga ng 1 milyon boto kay FPJ? Sino ba ang gumawa ng batas na nagsasabing walang maaaring magsabi na nandaya sya nang wala niyang pahintulot? Sino ba ang nagtago sa “executive privilege” para hindi managot sa bayan kung sya nga ang mastermind ng NBN?

Sino ba ang me mga anak na di makapagpaliwanag ng mga ari-arian sa San Francisco?

Sa kabilang banda, eto si Noynoy na walang record na nandaya sa Kongreso at Senado. Na may nanay na paulit-ulit na pinangaralan silang magkakapatid sa pagiging matapat. Na nagbigay ng halimbawa sa pag-ingat sa mga kagamitan sa Malakanyang dahil “’yan ay pag-aari ng taongbayan.” Paminsan-minsan siguro, nandadaya rin si Noynoy sa dieta at nage-extra rice. Pero pwede na rin nating palampasin yon.

Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Katinuan laban sa Kabuktutan? Di ba Good vs. Evil?

Ang boss mo ay mandarambong. Sino ba ang naturingan ng World Bank na pinaka corrupt na leader sa buong Asya? Sino ba ang nangutang ng higit pa kay Fidel Ramos at Erap combined, pero walang mapakain sa taongbayan, ang ramdam na ramdam lang ni Juan ay gutom? Sino ba ang pabyahe-byahe at tumatrato sa buwis ni Juan bilang pocket money? Sino ang nagkorap sa lahat ng institusyon ng demokrasya, ang Kongreso, ang Korte, ang Comelec, ang Simbahan, ang Sundalo? Sino ang gumawa ng tama sa mali at mali sa tama?

Sa kabilang banda, meron ka bang narinig na nagnakaw si Cory, nagnakaw si Noynoy, nagnakaw ang mga kapatid ni Noynoy? Paminsan-minsan si Kris ay nagnanakaw ng eksena, pero pwede na rin nating palampasin yon. Paminsan-minsan din, si Noynoy ay nagnanakaw ng halik, pero pwedeng-pwede nating palampasin yon.

Ano’ng tawag mo dyan? Di ba Tama laban sa Mali? Di ba Kagandahang Asal laban sa Asal-aso? Di ba Good vs. Evil?

May araw din kayo.

At may araw din kami.

Pinangako ko sa sarili ko na kapag tumugon si Noynoy Aquino sa hamon ng panahon, susulatin ko ang kolum na ito. Tagalog pa rin dahil me mga bagay na masasabi mo lang na swak na swak sa lingwaheng malapit sa puso o bituka mo.

May araw din ang taongbayan.

’Yan ang naisip ko sa Club Filipino noong nakaraang Miyerkoles. Naghalong “Tapos na ang maliligayang araw n’yo,” at “Sa gitna ng kadiliman ay meron ding bukang-liwayway.” Mangiyak-ngiyak ang mga kaibigan ko habang pinakikinggan si Noynoy maghayag na tatakbo siya bilang pangulo ng bansa. Naisip ko: Ganyan nga siguro ang pakiramdam ng mga bilanggong malapit nang palayain. Hindi ko sila masisisi. Ganyan din ang naramdaman ko.

Pagkatapos ng matinding paghihirap, makakaginhawa din. Pagkatapos ng matagal na pagkabilanggo, makalalaya din. Pagkatapos ng walang humpay na kabiguan, magtatagumpay din.

May araw din tayo.

Tuesday, September 1

no, i am not yet married

friends in facebook have been asking me if i got married because of the change in my surname.but no, barrozo is actually my mom's maiden name. i am planning to change my family name because loresca is my dad's name and he's drifted since i was four so i figured, why the hell use a missing guy's name? i should use something more proper -- the barrozos are family, not dad's.

the legal stuff that comes with changing it has not yet started since i need to retrieve the necesarry documents first. mayet told me i need to get dad's birth certificate too. piece of cake. but should i look up a death certificate too? i am not sure if he's still alive. i wonder what i'd feel if i did get one.

surreal, huh?


Tuesday, August 25

konkering da pilipins!

still a long way to go beybi!need to work out on the visayas part :)



Sunday, August 16

travel week

i remember i always chide adrian whenever he goes someplace new and he doesnt make prior arrangements on his hotel accommodation. i always ask him why guys live that, bara-bara na lang.kung saan maabutan ng gabi.

well, surprise, surprise!because am gonna do just that this week.am going to koronadal city without any idea where am gonna sleep.my best bet is in a hotel.worst case? in a bus terminal.gudlak na lang sa akin.and then by mid-week am off to zambo via davao.gotta spend the night in davao becuase its an early morning flight.and since there's no big moolah for marco polo hotel anymore, am gonna make do with mtrc, a govt training dorm inside the compound of davao medical school foundation. but there's no guarantee since its always full there.so goodluck again.

i just hope the documents that i ought to retrieve will all be in electronic file.or else.hell on earth again.

i remember what Hawk said in G.I.Joe:

"when all else fails... we dont."

i just hope i dont too.

Thursday, August 13

rainy days

nakakamiss ang baguio pag umuulan.yung sobrang lamig.yung hindi ka na halos makapagsalita ng maayos kasi pati ngalangala mo nanginginig.





Tuesday, August 11

sigma delta pi sorority

"Pero sa gitna ng larangan, patuloy ding nasala ang mga tunay at huwad; naihiwalay ang binhi sa ipa. Bumaba at umuwi ang mga di nakatagal, o lumabas at sumuko, humalik sa paa ng kaaway. Naiwan ang mga butil na ginto para patuloy na itanim at payabungin ang binhi ng pagkamakabayan..."


--- Desaparesidos ni Lualhati Bautista


Happy anniv sisses!

Monday, August 10

current mood

"...sometimes the shifting of rocks is deep, deep below, and it's powerful and scary down there, but that all we feel on the surface is a slight tremor. Only a slight tremor."



-- A Thousand Splendid Suns (Khaled Hosseini)

Monday, July 27

scenes from my weekend

someone from my family thought of eating goat meat for sunday lunch and invited everyone so we had a family gathering last weekend. it was a nice time to catch up with each other's lives. a cousin is graduating this year from a nursing course. an uncle brought home his nikon d700 and let me take some shots.he also gave me some tips on long exposure, aperture and stuff. another cousin whose into science class in highschool has a thesis --hell yeah-- on making bamboo shoot as a food supplement. muntik ng dumanak ang dugo when she started talking about chemical analysis, capsules and microwave.and then the talk shifted to her preferred course in college. intarmed in up manila.nothing but.

we had caldereta, pinapaitan, kilawin and my favorite: sinampalukang ulo.downed with mugs of red horse. in the middle of all this, i noticed my 11 year old cousin who wasnt touching any of the dishes except for the pork barbecue. i asked him why, and this was his reply:

"a goat is not one of my pets. i only eat my pets, ya know."

like dogs and cats?

"yeah."

i dunno where he got that line, but it sure made me laughing so hard! haha.

oh, and by the way, he is already a freshman in a public high school. got accelerated twice in grade school. he shares the same genes with my bamboo-shoot-food-supplement-intarmed-in-the-making cousin. he did magic tricks when he was done eating, and announced to the world later on that he already has a girlfriend.

"not a geek after all, yeah?," was what his dad could only say.

to which an uncle countered, "alam ba niya rafael?"

adeeeek! =)

anyhoo, we watched transformers after lunch. and while we were still setting up the dvd, i asked him if he's already watched kung fu panda. he said yes and dragged me to their kitchen. showed me their cupboard. in one of his mom's tupperwares, he made this label:

kung fu panda's secret ingredient

"you know what the secret ingredient is, ate kat? nothing."

he's still a kid after all.


Thursday, July 23

zamboanga itinerary

i've been sitting in the office for a month now without any out of town trip and i must admit that i am bored. and since ceb pac and pal's websites are bookmarked in my browser, i decided to check their pages yesterday. surprise, surprise! ceb pac is offering 50% discount on their fares. checked zambo... 2,500 roundtrip. now all i have to do is finish the questionnaire so i would have good enough reason for a travel order to tawi-tawi and sulu.yihee! i just wish the security situation would be ok. but hey, zambo is the home base so i decided to check out some good beaches there.

while it is true that adrian lives in zambo, we havent had enough time to actually go to the beaches. just la vista del mar, which i didnt quite enjoy because its kinda populated.

so this is the most amazing discovery i had: A PINK SAND BEACH! how cool is that huh?

so according to this blog,
A pink sand beach is very rare and there are only a few of them around the globe. They can be found in Horseshoe Bay in Bermuda, 3 islands from the Bahamas, Culebra in Puerto Rico, Maui in Hawaii, Santorini in Greece, Barbuda in the Carribean, Crane Beach in Barbados, and here in The Great Santa Cruz Islands in the Philippines.

So how did this beach got its pink sand qualities? It’s mainly because of these endangered Red Organ-Pipe Corals. From eons of natural surf erosion, these red organ-pipe corals were pulverized and mixed with the white sands resulting to its colorization. These corals are considered rare due to it’s unique qualities of a soft coral having a hard skeleton.

so there. am off to that pink sand beach in august! who's coming with me? =)





Wednesday, July 22

daydreaming

i wish i live in batanes..

so i could enjoy some midmorning chat by the swing


or read a good book with a nice view of the beach


and then maybe go for a ride around the countryside
href="https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj9Wsn6QPttRMgSVj453-lUvQz0x5qTOfgaLOW4F8isXCuNMYIRxA1z-rZgrjTzV9vY0tBaDjjLdj3mxEpD3JpvGu93vSV3_6BHeOAkkOrGRqqvW41DOKeAPFbd4eiEfhQiteh5mmCUwms/s1600-h/hway.jpg">

...and see the rolling hills


... take a walk around the community and meet some locals


...go up a lighthouse and enjoy the sunset from there


..maybe even stop by the beach and enjoy a comfortable silence



...i could even get married in this lovely church.just me, panda and the priest =)

Tuesday, July 21

@ sis yeh

masakit ang dysmenorrhea sis.waaa.about the cysts naman, its ok having them around, basta il start taking pills next month.three months yun and then il go back to the OB to have it checked again.

she can prescribe some meds if i want to have a baby na daw. dunno lang how effective these meds are. plus il get a second opinion on this one.

i suggest everyone should visit an OB so you would all know how to deal with your health issues.dati i was so afraid going to the OB but now i realized na i should have done it noon pa.

good luck sis! =)

my visit to the OB

i had been suffering from dysmenorrhea since last weekend so i decided to visit the OB yesterday. it was a brave act for me because i so dread going to the doctor. being the chicken that i am, i had to beg one of my friends to be with me.

according to the doctor, i was born with a retroverted uterus. which means my uterus tilts backwards, pointing to the spine instead of the other way. this causes my dysmenorrhea. she also told me i have polycystic ovaries, where there are many small cysts in my ovaries. the eggs do not mature so they form cysts. i would have to undergo medical treatment just to get pregnant.

when i learned about this i immediately texted panda, where i made it a bit exaggerated. sabi niya, "ok lang yan, we could always adopt a kid.at para hindi na dumami ang maldita sa mundo." hahaha.

si mama naman: "get a second opinion from your tita's OB."
so i asked her, "bakit, gusto mo na ba akong magkaanak?"
no reply yet as of press time. hihi. naloka ang lola mo!

and so i was feeling a little down yesterday. and what better way to cheer me up than go shopping! i bought new purple ipanema flip flops.happiness! =)

Friday, July 17

when we get too busy

...we sometimes forget to check on the people close to us

DAVAO TRIP

after touching down at naia on the last flight from davao, i texted adrian. (i was being a brat again so that was the first text in two days)

me: where are you?
ian: davao.just arrived this morning.


gaddemit.


me: waaaaaat???just landed here in mnla!we tuk the last flight frm dvo.
ian: bakit hindi mo sinabi na pupunta ka ng davao?
me: ....
ian: ayan kasi, inaaway mo ako lagi.


ui, di ah.

***

a few moments ago i was chatting with a cousin whose family is based in surigao. i was telling her about an aunt who came home from abroad because she had to see her doctor here.tapos she told me that her mom also had to undergo a medical procedure recently.

me: did she go to davao for it?
cuz: uhmm.. yeah.
me: i was there last week!
cuz: oh.that was when she had her operation.



sheesh.

Sunday, July 12

downloading...

free fonts!

go to http://www.1001freefonts.com and download your preferred fonts. extract the files (they usually come in zip) and copy-paste .ttf file to C:\WINDOWS\Fonts.









Wednesday, July 8

random thoughts

the one that got away
his pics in fs seems he's enjoying life...single and contented. am glad =) felt surreal when i attended this conference and his dad was called out for an award.laglag panga ko! ang weird lang kasi his dad and i belong to the same society pala. sooner or later mas closer na ang encounter namin ng dad niya. weird lang. oh well, the time with him was good while it lasted. too bad we never got to meet each other. ganun ka weird.hay weird talaga.

fear
i never really bothered about plane rides until the trip to cgy last summer. the plane was caught in the middle of an airpocket.i was sleeping when we took off in mnla, too tired from the conference in dumaguete. bigla akong nagising, the plane was shaking sideways and then bam!sudden drop.the turbulence was so strong that my seatmate's coffe cup flew off and landed on my feet.mainit na kape un.amfufu.and so i developed this fear of flying.i get scared stiff everytime i ride a plane now.kanina lang malakas ang turbulence while approaching dvo. ate dem was right, mas matapang ka kung mag-isa ka because you only have yourself to rely on.

fully booked
i have a very suicidal sked for the next two months. terminal evaluation, surveys and more surveys happening all at the same time. parang yung feeling na gasping for air, always out of breath. i see my nightmare everytime i look at my calendar. and then of course the dreaded plane rides again.kung pwede nga lang video conference na lang para hindi na ako pupunta sa kanila.

career plans
gusto ko ng mag-aral!deym.ang tagal ng plano yan, hindi matutuloy-tuloy. friends and colleagues are going to school, some have even graduated na. habol tayo. please god, give me this chance. nakakamiss ang feeling ng maging estudyante. =)


regional languages
i have been observing these non-tagalog speaking pinoys.they prefer using english than tagalog. when i was in college, i took this jeepney ride from plaza-tuba.one time there was this old lady chatting with a neighbor: "napan ak nag-market yisterdi!" kunana.
translation: she went to the market yesterday.they were speaking in ilokano.

and now, here at the hotel lobby: "wala man diay kayong bugnaw na water?unsa ni, chocolate drink?naa mo o." gyud gyud! =)

vaughn, a cebuano, explained that they wont be caught dead speaking in tagalog.owkeifayn.

Monday, July 6

food exchange list

woke up rather late this morning, had to finish the database last night.when i got to the office, everyone was readying up for the wellness seminar downstairs. filled up my coffee mug, grabbed a pen and a notebook then headed off to the training room.after the seminar, RNDs were on hand for the nutritional counseling. so for a walking junk food like me, it seemed like a nightmare which ended up with a happy ending.

so here's a look at my daily FEL guide according to the RND:

* 2 cups green leafy vegetables [the darker the color, the better.hell yeah!]

* 1 cup of vegetable B [from this group i can only take in carrot, mungbean, singkamas, squash & sitao]

* 4 pcs of banana

* a cup of skimmed milk [ay sobrang nagprotesta ako dito!i hate milk.ugh.kaya tumawad ako.so nagkasundo kami na i can still have my tea tapos lagyan ko nalang ng milk.owkeifayn]

* 3.5 cups of rice [a half cup can be exchanged with: 1/2 cup binatog na dadayuhin ko pa sa session road sa baguio because they have the best binatog in da world, 8 pcs soda crackers, 1 pc boiled corn, 3 small pcs pan de sal, 1 cup macaroni/spag.just had herb and garlic pasta for dinner kanina.left over from my comfort food last weekend.bukas na lang ang diet!tse.]

* 4 matchbox-size slices of meat [ito talaga ang kalamidad.matchbox size??pero sabi naman ng RND, you are allowed to eat meat slices that have the same size as your palm.tapos may nag-react from the crowd: 2 inches thick?

* 1 tablespoon cream cheese [i did not see how many bagels i can consume]

* 1 pc chewing gum/bubble gum [wahaha!]

this list is based from my BMI. i am classified as 1st degree obese.so i have to lose 9kls in 18 months.no yo-yo dieters here. and of course para daw maging habit na ang pagkain ng matchbox-size slices of meat.gudlak na lang.

and now for the physical activity part.

i've been planning to jog for the longest time. philrice has a wide compound ideal for jogging, lalo na sa airstrip.but of course, sleep is my passion so until now drawing pa lang ang jogging.jaime has been asking me to join him pero there's this pull of my bed talaga eh.and of course aside from my addiction to sleeping is yung pangloloko sa sarili ko na i have to buy nice running shoes first. so hanggat wala akong nike equalon or adidas supernova, i can delay my jogging muna.yan ang mga stupid justifications ko.hehe.

ims, rache and i are planning to play badminton once the covered court is ok na.so habang wala pa yun,tuloy tuloy lang ang masasayang araw ko. =)

Friday, July 3

TRANSPORTMERS!





thanks to jec for this. was able to trace the guy who did it pero unfortunately the images in his deviantart site were deleted because of some copyright issues. so i googled them na lang.

which reminds me, hey manny, kamusta na yung joint account natin sa deviantart?