Isang hapon ay lumabas si Mr. Montemayor para bumili ng internet prepaid card sa sari-sari store dahil nawalan sila ng DSL connection at kelangan nyang mag-email.
Pagdating nya sa tindahan ay nakita sya ni Ethan na nagtetext habang kumakain ng bananacue.
Ethan: Sir! Magandang hapon po. Ako nga pala si Ethan, yung kaibigan ni Inday.
Mr. Montemayor: Ahh ok. Gandang hapon din. Ka-text mo si Inday?
Ethan: Ahh, hindi po sir. Nag-susurf lang ako dito sa cellphone ko, checheck ng balita.
Mr. Montemayor: (nabigla) Ahh… ok… galing ah. Sige.
Kumatok sya sa tindahan at lumapit ang tindera.
Tindera: Ano po yun?
Mr. Montemayor: Meron ba kayong prepaid internet card? Yung 100 pesos lang, bigyan mo ako yung mabilis at mabenta.
Tindera: Ahh meron po sir. Pero kung gusto niyo mabilis talaga, nag-ooffer din kami ng Airborne Access prepaid card. Aabot naman yung wifi namin sa bahay ninyo kasi may mga booster antennas naman kami. Kelangan niyo lang ng computer or laptop na may wifi adapter. 100 lang rin sir para sa 60 minutes.
Mr. Montemayor: (laglag ang panga) Ahh sige, pwede siguro yan. Samahan mo na rin ng isang Cheers softdrink.
Tumambay muna si Mr. Montemayor sa tindahan habang inuubos ang softdrink nang may dumaang maglalako.
Maglalako: (sumisigaw) Hoppppp… Hopppp… HopiaManiPopcornDomainNamesatWebHostinggg…
Nasamid si Mr. Montemayor sa kanyang iniinom.
0 shout-outs:
Post a Comment