ikaw,
natutuwa ako syo ngayon kasi hindi tayo nagkakabuwisitan. siguro malaking factor yung pareho na tayo ng industry.well, almost. who would have thought na darating yung panahon na halos pareho na tayo ng lengguwahe pati sa trabaho? pero here we are, talking about MIRs and clients. nakakatuwa kasi akala ko non wala kang macocontribute sa trabaho ko, na magkaiba tayo ng mundo. pero ngayon sa iyo ako nagtatanong ng mga jargons na hindi ko pa natututunan.natutuwa din ako para sa iyo for your promotion, which is a mean feat considering how young you are. proud ako sa iyo in fairness. at dahil na rin jan hindi na ako demanding sa oras mo, although i would appreciate it na meron kang headset para pwede mo pa din akong tawagan kahit nagda-drive ka.promise hindi kita ngangaragin.pangit mamatay ng vehicular accident.at mukhang tanggap mo na din na ang magiging cause of death mo ay sa konsumisyon sa akin. basta ang geist ay quality over quantity.
salamat din kasi ang patient mo sa akin ngayon.lalo na kasi change of industry ang lola mo kaya nangangapa pa.sobra kong naa-appreciate yung pagtawag mo sa akin just to ask how im holding up.salamat kasi tinyaga mo akong i-comfort lalo na nung nawala ko yung aking pers eber tseke.
sana ma-sustain natin ito.at sana we can still manage to make time for each other.basta abangan lang lagi ang promo ng mga airlines.tsaka may long weekends.
wekandoit beybeh!aylabyu.
**alam kong hindi ka nagbabasa ng blogspot ko, pati na din sa fb.pero sana one day, ma-discover mo itong post na ito. :)